I went outside and took a 30 minute walk after my lunch. While trying on some shoes in Shoe Company, I felt homesick for a while at me naalala ako when I was still at Letran-Calamba. Minsan, nagpalibre sa akin yung Baranggay A/S (Arts & Sciences) friends ko, nasa Computer Lab kami. Kinuha ko order nila, lahat kami gusto Wendy's, tapos tinanong kung alam nila number kasi magpapa-deliver na lang tapos binigay sa akin ng isang estudyante namin na nakikigamit ng PC ko. Tawag naman ako, di ko narinig kung anong sinabi nung sumagot sabi ko lang magpapa-deliver ako. Then order na ako, 1st 3 orders ko, lahat wala daw sila nun at binibigyan nya ako lagi ng ibang choice! Sabi ng mga kaibigan ko "Wala pa rin, eh magsara na silaa!!!" in chorus. Last one, sabi ko, eh "Bacon Mushroom melt, meron ba kayo?" sabi "Ma'am wala din po?" eh asar na ako, "Eh ano meron kayo?!!!".. sabi nya, "Eh ma'am sa kabila po kasi yung ino-order nyo. Jollibee po 'to..."
ngek! sabi ko na lang "Ah... sige, tatawag na lang ulit ako..." then, tumawa ako ng tumawa akala nila kung ano na nangyari, tapos sabi ko sa estudyante ko, "Ava, ano ka, anong number binigay mo, eh Wendy's ang hinihingi ko?!" "Ay ma'am, akala ko gusto nyo ng Jollibee..." grrrrr..... tumatawa akong mag-isa kanina, tapos na-miss ko bigla mga friends ko sa Letran lalo na yung pang-ookray namin sa ibang teachers na matagal ng nagtuturo kaya insecure sa aming mga bago.. kumbaga, nilulumot na sila samantalang kami naman eh sumisibol pa lang... hahaha! Honestly speaking, work ko sa Letran ang pinaka-rewarding both financially and professionally. I got to work with people my age plus nakakatuwa kasi marami akong natutunan from my own students, plus yung mga bloopers ko at lalo na mga bloopers nila... hayyy!! Those days, the pressure was on my students, not on me... kung maibabalik ang panahon, sa Letran ako babalik... ang gwapo pa ng mga pari, kung alam ko lang na na-se-seduce sila at willing mag-alis ng abito, naku! ... :) Pwera lang yung bandang huli, nung pinagtulungan ako ni Mr. Rabago, Mrs. Reyes, at Mr. Bernardo (isa syang plastic, pramis, ingat kayo!)... akala nila di ko alam ha, mali sila dun... alam ko yun.. kung maibabalik ang panahon, hindi ko ipapasa sa SAD yung isang IT student ko na nag-defense mag-isa... kasi bagsak dapat sya, naawa lang ako kaya pinasa ko na kahit na wala syang alam gawin kundi pomorma, sumayaw at ipagyabang ang posisyon ng nanay nya.. talagang magiging SAD siya.... hmmmm.... :P
Oh well, not a good thought....

<< Home